Puwede kang magpadala ng pera sa mga kasamahan mo sa barko na nasa MarTrust gamit ang QR code o payment link nila. Mabilis at ligtas ang dalawang paraan, at agad na naipapadala ang mga transfer.
Magpadala ng pera gamit ang QR code
Tandaan: Available lang ang pag-scan ng QR code kapag ginagamit ang MarTrust mobile app
1. Pumunta sa Send money
Mula sa Dashboard mo, piliin ang Send money.
2. Magdagdag ng kasamahan sa barko
Pumunta sa tab na Crewmates, tapos piliin ang Add crewmate.
3. I-scan ang QR code nila
I-scan ang QR code ng kasamahan sa barko na gusto mong padalhan ng pera.
Awtomatikong lalabas ang mga detalye nila.
Suriin kung tama ang pangalan at MTID nila, tapos piliin ang Send money.
4. Ilagay ang halagang ipapadala
Ilagay ang halaga ng perang gusto mong ipadala.
Puwede kang magdagdag ng payment reference kung gusto mo, tapos i-click ang Continue
5. Suriin at kumpirmahin ang transfer
Suriin kung tama ang mga detalye ng kasamahan sa barko at ang halaga.
Kung tama na ang lahat, i-click ang Confirm transfer.
Agad na mapapadala ang pera mo sa MarTrust Account ng kasamahan mo sa barko.
Padadalhan ka namin, at ang kasamahan mo, ng email na kumukumpirma sa transaction.
Magpadala ng pera gamit ang payment link
1. Buksan ang link
Piliin ang payment link na ipinadala sayo ng kasamahan mo sa barko.
Magbubukas ang link sa MarTrust mobile app o sa web browser mo.
2. Suriin ang mga detalye ng kasamahan sa barko
Ipapakita ang mga detalye ng kasamahan sa barko. Suriin kung tama ang pangalan at MTID nila, tapos piliin ang Send money.
3. Ilagay ang halagang ipapadala
Ilagay ang halaga ng perang gusto mong ipadala.
Puwede kang magdagdag ng payment reference kung gusto mo.
4. Suriin at kumpirmahin ang transfer