Puwede kang magpadala ng pera sa mga naka-save na recipient, o magdagdag ng bago.
1. Pumunta sa Send Money
Mula sa Dashboard mo, piliin ang Send Money.
2. Pumili ng recipient
Pumili ng naka-save na recipient, o piliin ang Add new recipient para maglagay ng bagong detalye.
3. Pumili ng halagang ipapadala
Ilagay ang halaga ng perang gusto mong ipadala.
Para palitan ang currency, piliin ang dropdown ng watawat ng currency, tapos piliin ang currency na gusto mo.
4. Suriin ang mga detalye ng transfer
Ipapakita namin ang mga detalye ng transfer, kasama ang:
• Halagang ipapadala mo
• Transfer fee
– Kung may naaangkop na transfer fee, ibabawas namin ito sa halagang ipinapadala mo
– Kung may libreng transfer credits ka, babayaran ng employer mo ang transfer fee
• Halagang papalitan namin
• Exchange rate
• Halagang matatanggap ng recipient mo
Siguraduhing tama ang lahat, tapos i-click ang Continue.
5. Kumpirmahin ang transfer
Suriin ang mga detalye ng recipient at ng transfer para matiyak na tama ang mga ito.
Puwedeng hingin sayo namagdagdag ng dahilan ng pagbayad.
Kung tama na ang lahat, i-click ang Confirm the transfer.
Ipoproproseso namin ang transfer mo at padadalhan ka namin ng confirmation email.
Dapat matanggap ng recipient mo ang pera sa loob ng 2 business day.
