Laktawan para pumunta sa pangunahing content

Paano kung wala akong Tax Identification Number (TIN)?

Isinulat ni Duarte Moreira

Ang Tax Identification Number (TIN) ay ang numerong ginagamit ng tax authority ng bansa mo para makilala ka. Maaaring iba ang tawag sa TIN, o sa katumbas nito, sa bansa mo — halimbawa, INN (Russia), RNOKPP (Ukraine), PAN (India) o PIN/FIN (Azerbaijan).

Kung may TIN ka

Ilagay ito kapag kinukumpirma mo ang mga detalye mo. Siguraduhing ilagay ang TIN para sa bawat bansa kung saan ka tax resident. Huwag maglagay ng UK number maliban kung tax resident ka sa UK.

Kung wala kang TIN

Hindi mo kailangang maglagay nito. Kapag kinukumpirma mo ang mga detalye mo sa app, piliin ang option na nagsasabing wala kang TIN at ipaliwanag, sa sarili mong salita, kung bakit wala ka nito.

Piliin lang ang option na ito kung hindi ka pa kailanman nabigyan ng TIN. Kung may TIN ka, kailangan mo itong ilagay.

Dapat totoo at kumpleto ang impormasyong ibibigay mo sa amin. Kung magbago ang mga detalye mo — halimbawa, nabigyan ka ng TIN sa ibang pagkakataon — i-update ito sa app sa loob ng 30 araw mula sa pagbabago.

Kung hindi ka sigurado kung may TIN ka, o kung kailangan mo ito, makipag-ugnayan sa local tax authority mo o sa isang tax adviser. Hindi nagbibigay ng tax advice ang MarTrust.

Mga karaniwang tanong

Puwede ko bang gamitin ang passport, national ID o seaman's book number ko sa halip?

Puwede lang kung ginagamit ng tax authority mo ang numerong iyon bilang TIN mo. Kung hindi, piliin ang option na nagsasabing wala kang TIN.

Maaapektuhan ba nito ang sahod ko?

Hindi mapapahinto ang sahod mo dahil lang wala kang TIN. Puwede mo pa ring kumpirmahin ang mga detalye mo sa pagpili ng option na nagsasabing wala kang TIN at pagsabi sa amin kung bakit.

Kailangan mo pa ring kumpirmahin ang mga detalye mo sa loob ng 30 araw mula nang hilingin namin ito. Kung hindi, maaaring ma-restrict ang account mo. Alamin kung ano ang mangyayari kung hindi mo makumpirma ang mga detalye mo sa tamang oras.

Bakit kailangan ninyo ang tax details ko?

Ayon sa batas, kailangan naming kolektahin ang tax residency information, kasama ang TIN, mula sa aming mga account holder. Para malaman kung paano namin ginagamit at ibinabahagi ang impormasyong ito, tingnan ang aming Privacy Policy.

Puwede mo ring basahin ang What is "Confirm Your Details".

Nasagot ba nito ang iyong tanong?