Kapag na-on mo na ang 2FA, mas marami itong pinoprotektahan kaysa pag-log in mo lang. Ginagamit namin ang 2FA para kumpirmahin na ikaw talaga ito bago ang anumang sensitibong aksyon, kasama ang:
• Pagpapadala ng pera
• Pagdaragdag ng recipient
• Pag-activate ng card
• Pagtingin sa mga detalye ng card
Bakit kailangan ang 2FA para sa mga aksyong ito?
Dahil may kinalaman ang mga aksyong ito sa pera o personal data mo. Tinitiyak ng 2FA na ikaw lang ang makakagawa ng mga sumusunod:
• Mag-transfer ng pera mo
• Magdagdag ng taong puwedeng tumanggap ng pera mo
• Ma-access ang impormasyon ng card na puwedeng magamit sa maling paraan
Isa ito sa pinakamatibay na proteksyon laban sa scam, phishing, at hindi awtorisadong pag-access.
