Laktawan para pumunta sa pangunahing content

Paano i-set up ang Auto-Send

Isinulat ni Duarte Moreira

Sa Auto-Send, awtomatiko kang makakapagpadala ng pera sa isang recipient tuwing makakatanggap ka ng sahod mula sa employer mo.

Tandaan: Hindi ipapadala ang mga transfer na $20 pababa sa pamamagitan ng Auto-Send

1. Pumunta sa Auto-Send

Mula sa side menu, piliin ang Auto-Send.

2. Gumawa ng rule

Piliin ang + Add new rule

Piliin ang porsyento ng sahod mong gusto mong ipadala, tapos piliin ang + Add recipient para piliin kung kanino mo ito ipapadala.

Pumili mula sa mga naka-save mong recipient, o piliin ang Add new recipient para gumawa ng bago.

3. I-save ang rule mo

Kapag napili mo na ang porsyento at nakapili ka na ng recipient, piliin ang Save rule.

Mase-save at mag-a-activate ang Auto-Send rule mo.
Makakatanggap ka ng email na kumukumpirma ng setup.

Nasagot ba nito ang iyong tanong?