Anong mga device ang compatible sa Apple Pay?
• iPhone: Gumagana ang Apple Pay sa iPhone 6 at mas bago para gamitin sa mga tindahan, app, at website sa Safari
• Apple Watch: Gumagana ang Apple Pay kapag naka-pair sa iPhone 6 o mas bago para gamitin sa mga tindahan at app.
• iPad: Compatible sa iPad Pro, iPad (5th generation o mas bago), iPad Air 2, at iPad mini 3 o mas bago para gamitin sa mga app at website sa Safari
• Mac: Available ang Apple Pay sa mga Mac (2012 o mas bago) gamit ang Safari, kapag naka-pair sa iPhone o Apple Watch na compatible sa Apple Pay
Paano ko idadagdag ang card ko sa Apple Pay?
• Para sa iPhone, buksan ang Apple Wallet at i-tap ang simbolong “+”.
• Para sa Apple Watch, buksan ang Apple Watch app sa iPhone mo at piliin ang ‘Wallet & Apple Pay,’ tapos i-tap ang ‘Include Credit or Debit Card’.
• Para sa iPad, pumunta sa Settings, buksan ang “Wallet & Apple Pay”, at piliin ang “Include Credit or Debit Card”.
• Para sa MacBook Pro, pumunta sa Settings, buksan ang “Wallet & Apple Pay”, tapos piliin ang “Include Card”.
Paano ko itatakda ang card ko bilang pangunahing card?
• Buksan ang Apple Wallet sa iPhone mo
• I-tap at i-hold ang card mo at i-drag ito sa pinakaunang posisyon.
Magkano ang puwede kong gastusin gamit ang Apple Pay?
• Walang partikular na spending limit kapag gumagamit ng Apple Pay. Ngunit, nakadepende ang limitasyon mo sa mga limitasyon ng card ng MarTrust.
• Puwede pa ring ipatupad ng ilang tindahan ang £100 na limitasyon sa contactless para sa mga pagbili sa loob ng tindahan.
Ano ang mangyayari kung mawala ang device ko2?
• Kung nawala o nanakaw ang phone mo, gamitin ang “Find My” para hanapin o i-lock ito.
• Puwede mo ring i-secure ang device gamit ang bagong password, o burahin ang lahat ng personal information mo, kasama ang mga payment card sa Apple Wallet.
Saan ko magagamit ang Apple Pay? Magagamit ko ba ito sa ibang bansa?
• Magagamit ang Apple Pay saanman tinatanggap ang contactless payment, kasama ang public transportation, mga tindahan, restaurant, at café sa buong mundo.
Magagamit ko ba ang Apple Pay para magbayad sa loob ng isang app?
• Oo. Nag-o-order ka man ng pagkain o bumibili ng damit, piliin lang ang Apple Pay sa checkout para mabilis na makapagbayad.
Protektado ba ang mga detalye ng card ko?
• Kapag gumamit ka ng Apple Pay para magbayad sa tindahan, online, o sa mga app, hindi ipinapadala ng Apple Pay ang aktwal na numero ng card mo sa merchant. Sa halip, may natatanging code na itinatalaga, ini-encrypt, at ligtas na naka-store sa device mo. Inaapruba ang bawat transaksiyon gamit ang one-time dynamic security code.
Maibabalik ko ba ang mga na-delete na card kung mahanap ko ang nawala kong device?
• Hindi. Kung inalis ang card sa Apple Wallet, hindi na ito maibabalik. Kailangan mong idagdag muli ang card sa Apple Wallet.
Puwede ko bang idagdag ulit ang card kung na-delete ko na ito noon?
• Oo. Puwede mong idagdag ulit ang card anumang oras, hangga’t aktibo pa ang card.
Sa ilang device ko maidaragdag ang card?
• Puwede mong idagdag ang parehong card sa maraming device (tulad ng iPhone, Apple Watch, iPad, o Mac). Kailangan ng hiwalay na setup para sa bawat device. Tandaan: 10 device lang ang puwedeng idagdag mo gamit ang MarTrust card.
Ilang card ang puwede kong idagdag sa isang device?
• Nakadepende ang bilang ng card sa version ng iOS. Mula 12–16 na card ito.
Makikita ko ba ang mga transaction sa phone ko?
• Oo. Karaniwang lumalabas sa MarTrust app mo ang mga transaction na ginawa gamit ang Apple Pay (tulad ng mga transaction sa physical card) sa ilalim ng card history, at makikita mo rin ito sa Apple Wallet mo.
Puwede ko bang idagdag sa Wallet ang card ng ibang bangko?
• Oo. Puwede mong idagdag sa Apple Wallet ang mga card mula sa iba’t ibang bangko, hangga’t sinusuportahan ng mga bangkong iyon ang Apple Pay.
Bakit may nakikita akong tick mark na may “Done” sa iPhone ko samantalang sinasabi ng terminal sa tindahan na na-decline ang bayad?
• Ibig sabihin ng tick mark, matagumpay na naipadala ng device mo ang payment request. Nangyayari ang pag-decline pagkatapos nito kung tatanggihan ang transaction. Karaniwang ang huling desisyon ay mula sa MarTrust at Monavate.
Makakatanggap ba ako ng notification para sa mga na-decline na transaction?
• Karaniwan, oo. Karamihan sa mga na-decline na transaction ay nagpapadala ng notification o lumalabas bilang declined sa Apple Wallet, depende sa notification settings mo.
Kapag inalis ko ang card sa iPhone ko, maaapektuhan ba nito ang card sa Apple Watch ko kung magkapares ang mga ito?
• Hindi. Pinamamahalaan nang hiwalay ang mga card sa bawat device. Hindi maaalis sa Apple Watch mo ang pag-alis ng card sa iPhone mo.
Kapag inalis ang pagkakapares ng Apple Watch sa iPhone, maaalis ba ang card sa Apple Watch?
• Oo. Kapag inalis mo ang pagkakapares ng Apple Watch, awtomatikong naaalis ang lahat ng card na naka-store sa watch para sa mga dahilan ng seguridad.
Sinusubukan kong magdagdag ng card sa Apple Wallet ko pero lumalabas ang “Card Not Added — Contact Your Issuer.” Matutulungan n’yo ba ako? Ano kaya ang nangyayari sa card?
• Karaniwan, ibig sabihin nito hindi inaprubahan ng card issuer (MarTrust o Monavate) ang card para sa Apple Pay. Kabilang sa mga karaniwang dahilan ang naka-block na card, expired na card, hindi pa suportado para sa Apple Pay, mali ang mga detalye ng card, o kailangan ng dagdag na verification mula sa MarTrust o Monavate.
Ano ang mangyayari kung mawala o manakaw ang iPhone ko?
• Protektado ang mga card mo ng Face ID, Touch ID, o passcode. Puwede mong i-suspend o alisin nang remote ang mga card gamit ang Find My iPhone, o sa pakikipag-ugnayan sa customer support ng MarTrust para tulungan kang i-suspend o alisin ang mga ito. Hindi apektado ang physical card mo.
