Makakapagpadala ka ng pera sa mahigit 150 bansa sa mahigit 135 currency, at makakagastos sa kahit anong currency gamit ang MarTrust Debit Mastercard mo sa kompetitibong exchange rate, mula sa 1%.
Cash-advance na transaction
Ito ay transaction na ginawa gamit ang MarTrust Debit Mastercard mo para ilipat ang pera mula sa balance ng card mo papunta sa ibang money provider, tulad ng bangko, foreign exchange vendor, digital wallet, o serbisyong tulad ng Western Union o GCash, kung saan puwedeng kunin ng recipient ang cash — itinuturing itong cash advance.
Sinisingil ang transaction na ito ng MarTrust fee na 1%. 2% naman para sa mga crypto currency platform.
Halaga ng pagpapalit ng pera sa pagitan ng mga currency
Kapag nagpalit ka ng pera sa pagitan ng mga currency sa MarTrust Account mo, o nagpadala ng pera sa bank account na nasa ibang currency, ipapakita sa iyo ang exchange rate bago mo kumpirmahin ang transaction.
Kasama sa exchange rate ang foreign exchange fee. Nagre-refresh ang rate kada 20 segundo. Makikita dito ang foreign exchange fee na ipinapataw para sa partikular na currency.
