Puwede mong tingnan ang PIN ng card mo sa MarTrust Account, at palitan ito sa kahit anong ATM.
Tingnan ang PIN mo
1. Pumunta sa card settings
Mula sa Card Dashboard mo, piliin ang Settings
2. Tingnan ang PIN
Sa ilalim ng listahang Manage your card, piliin ang PIN number
Para sa security mo, nakatago ang PIN mo bilang default. Siguraduhing walang ibang makakakita ng screen mo kapag ipinapakita mo ito.
Pindutin ang button na Press and hold to show PIN para pansamantalang makita ang PIN mo
Palitan ang PIN mo
Puwede mong palitan ang PIN mo sa kahit anong ATM na sumusuporta sa feature na ito.
Ipasok ang card mo at sundin ang mga instructions sa screen.
Para maiwasan ang risk ng card fraud, gumamit ng ATM na pinapatakbo ng bangko kung puwede, at iwasan ang mga independent ATM tulad ng:
• ATM Bersama
• Cashzone
• Euronet
• Expressnet
• Indicash
• Travelex
• UAE Exchange
